Monday, June 16, 2008

after a very long period of time, i am back for blogging... hindi kasi ako madalas mag update kasi naman s0brang dami kong iniisip parang nakakapagod na... at ngayon, may sleepless nights na naman ako o kung hindi s0brang late na kung makatulog...

masaya naman ako ngayon.. lalo na at may sariling business na ang family namin... ang MadrileƱo Restaurant.. ang butihin kong ina ang magpapatakbo nito kasama ay kanyang 2 kapatid na babae... sa wakas, nakaalis na rin ang nanay ko sa anino ng kanyang boss na walang ginawa kundi maliitin ang kanyang kakayahan... patawad po pero sa dami ng masasakit na salita, sa aking pananaw, hindi lamang bilang anak, kundi bilang tao, hindi deserving ang nanay ko mga salitang binitawan niya... at bilang anak, masakit na maraning ang mga iyon... sa 16 years of service ng nanay ko sa kanya, hindi nga nakuha ng nanay ko ang mga benepisyong dapat ay sa kanya... pero tapos na un.. nakabawi na rin naman kami.. ang maaaring sabihin na lang ay SALAMAT.. salamat sa experience at knowledge... :)


at ako... si abbie...

asan na nga ba ako?


hindi ko na nga alam kung asan na nga ba ako...


masaya naman ako.... ang tanong, kelan, kanino at paano muling titibok ang puso ko..?? ang lalim ahihi.. pero sa tot0o, namimiss ko na ung tipong inaalagaan at may inialagaan... ung tipong kakampi kapag badtrip na badtrip na ako sa mundo... ahihihi, nakakamiss lang... kung sana matutunan ko nang mahalin si gab.. sana sya na lang... pero, pasaway ata ang puso ko... kahit gaano KA-GUSTO ng UTAK ko na mahalin sya, ganun naman ang pag-tanggi ng PUSO ko.. nakakainis db? eh di sana mas maganda at mas tahimik ang buhay ko... sana sya na lang diba?